30M Novavax Covid-19 vaccine supply deal, pirmado na: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Pumirma na ang Pilipinas ng isang supply agreement para sa 30 milyong Covid-19 vaccines na mula sa Novavax brand.

Ibinahagi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na maaayos ang naging resulta ng kanyang pagbiyahe sa India noong nakaraang linggo upang lagdaan ang naturang kasunduan.

Posible umanong dumating sa bansa ang mga nasabing bakuna sa ikatlo o ikaapat na quarter ng taon.

Batay sa trial na isinagawa sa United Kingdom, 89.3% ang efficacy rate na ipinakita ng Novavax kontra Covid-19.

Samantala, bukod sa Novavax, nagkasundo rin ang India at Pilipinas para sa 8 milyong doses na gawa naman ng kumpanyang Bharat Biochem sa India.

Umaasa naman si Galvez na matatapos nang bakunahan ang lahat ng health workers sa bansa ngayong buwan o sa ikalawang linggo ng Abril.

LATEST

LATEST

TRENDING