Roque, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ibinunyag noong Lunes ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nahawa siya sa Covid-19.

“As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa COVID,” ani Roque sa kanyang press briefing.

“Itong test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana ngayon, para sa pagpupulong kay presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo po ay positibo,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Roque na siya ay asymptomatic o hindi nakararamdam ng sintomas ng Covid-19, kung kaya’t na-“shock” umano siya sa naging resulta ng kanyang test.

Negatibo naman umano siya noong Marso 10 bago samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Dumaguete noong Huwebes.

“‘Yung mga nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero kinakailangan po ninyong mag-quarantine kung kayo po ay nagkaroon ng close contact sa akin,” giit ni Roque.

Idiniin din ng opisyal na hindi umano niya naging close contact ang Pangulo kaya wala naman aniyang dapat ikabahala ito.

“Negative po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the president. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar,” sabi ni Roque.

Nagbabalak naman ang tagapagsalita ng Pangulo na magpa-confine sa isang isolation facility sapagkat may comorbodity umano ang kanyang asawa.

Aniya, “If she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also because we have to walk the talk.”

LATEST

LATEST

TRENDING