PNP, idiniing oobserbahan ang ‘maximum tolerance’ sa pagpapatupad ng NCR curfew

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Iginiit ng Metro Manila Police na ipatutupad nito ang “maximum tolerance” kasabay nang pagdedeklara ng uniform curfew sa Metro Manila mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. simula Lunes.

Tanging mga essential workers, authorized persons outside their residence (APOR) at mga may emergencies lamang ang papahintulutang makalabas sa loob ng dalawang-linggong curfew, ayon kay Metro Manila Police chief. Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Aniya, “We will exercise maximum tolerance pa rin para naman mapagbigyan, baka ‘yung iba hindi alam na we will implement a uniform curfew sa buong Metro Manila.”

Ang mga lalabag umano sa minimum health protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face masks at face shield, at hindi pagsunod sa physical distancing, ay paparusahan ayon sa lokal na ordinansa.

“Atin pong pinapatupad number 1 dyan is to stay at home lalo na sa ating non-APORs…Istrikto po nating ipapatupad ‘yan, ang paggamit ng face mask, face shield, at stay at home,” dagdag pa ni Danao.

Noong nakaraang taon, umani ng pambabatikos ang kapulisan matapos ang umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad nito ng lockdown sa Kalakhang Maynila.

Sa Manila, ang mga first time curfew violators ay ipadadala sa basketball court upang mag-exercise, ayon kay police chief Gen. Leo Francisco.

Ang mga lababag naman sa health protocols nang paulit-ulit ay pagmumultahin.

Aniya, “Nagpahanap na ako ng isang basketball court para doon sila ilagay para may physical distancing. ‘Pag nakapagperform sila ng exercise na nararapat sa kanilang edad at sa nararapat na oras ay pwede na silang pauwiin.”

Idiniin naman ni Danao na ang mga aabusong pulis sa pagpapatupad ng curfew ay mahaharap sa kasong administratibo.

“We have been advising them naman not to break any protocols. ‘Yung simpleng pagpa-party party, siguro naman with their 1 year implementation, siguro alam na natin ano ang violations na nangyayari,” sabi ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING