Duterte, nais pabakunahan agad vs. Covid-19 ang informal settlers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iniutos noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipabilang sa mga mababakunahan kontra Covid-19 ang mga informal setttlers.

Sa kanyang briefing, sinabi ng Pangulo na ayaw niyang maghintay ng sobrang bakuna na maibibigay sa mga ito.

Nais ni Duterte na agarang maturukan ng mga bakuna ang informal settlers pagkatapos maturukan ang mga health workers at senior citizens. Huli na lamang aniya ang mga empleyado ng gobyerno.

Aniya, “That is why I said, I am thinking of going mobile. Kayo na pumunta, or if you are near the barangay, you just wait because ang order ko ngayon is for the team to give you the vaccine,” ani Duterte.

Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na paghahandaan ito ng Department of Health (DOH) bagama’t sinabing mangangailangan ng “napakaraming tao” upang i-monitor ang adverse effects matapos ang pagbabakuna.

“Kung dadalhin ang bakuna sa kanila, kakailangan ng napakaraming tao na magmo-monitor for adverse effects following immunization. Iyan po ang very important step. Very final step in the vaccination process, after you are vaccinated, you have to be observed for 30 minutes to about 1 hour individually for a possible serious side effects,” sabi ni Duque.

“Kung iisa-isahin po natin sa lugar nila, kulang po tayo sa tao sa pagmonitor,” dagdag pa ng kalihim.

Inatasan din ni Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mamahagi ito ng libreng face masks.

“We have to provide the mask for everybody. Kung iyong tao walang pera ipambili ng mask, how can you expect compliance from him? So it is good, the DILG and the barangay captains makatulong po kayo,” giit ng Pangulo.

Hinikayat naman ni Duterte ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa sapagkat “maliit na bagay” lamang umano ang Covid-19 pandemic.

Aniya,  “Do not despair, kaya natin ito. COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin, mas marami tayo dinaanan na mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo.”

LATEST

LATEST

TRENDING