Duterte kay Roque: ‘Bakit ka nag-positive?’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesperson Harry Roque

Kinumusta noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nagpositibo sa Covid-19 sa parehong araw.

Dumalo online si Roque sa lingguhang briefing ng mga miyembro ng Gabinete, ilang oras matapos ibunyag na nahawa siya sa Covid-19.

Nang tanungin ng Pangulo kung paano siya nahawa, sinabi ni Roque na hindi siya sigurado sapagkat sumama siya sa vaccine rollout sa iba’t-ibang ospital.

“I sense no difference in your deportment,” ani Duterte kay Roque.

“Tuloy tuloy pa rin po ang press briefing, pero naka-isolate po ako para hindi po ako makahawa,” tugon naman ni Roque.

Ayon kay Roque, na siyang tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), kumuha siya kamakailan ng dalawang tests para sa Covid-19.

Nagnegatibo ito sa kanyang unang test noong Marso 10, bago ang kanyang pag-alis kasama si Duterte patungong Dumaguete City.

Kumuha muli si Roque ng panibagong test noong Linggo sapagkat magkikita sana sila ni Duterte noong Lunes. Sa ikalawang test, nagpositibo ang tagapagsalita ng Pangulo sa Covid-19.

Iginiit naman ng opisyal na hindi siya nagkaroon ng “close contact” sa Pangulo sa kanilang pagbiyahe sa Dumaguete.

LATEST

LATEST

TRENDING