Duque: Wala pang ‘Philippine variant’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Idiniin ni Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes na ang natuklasang Covid-19 variant sa bansa ay hindi pa “variant of concern,” sapagkat mas maraming datos pa umano ang kinakailangan upang suriin ang epekto nito.

Sa isang panayam sa CNN Philippines, tumanggi ang kalihim na pangalanan ang P.3 variant — na unang naiulat ng Department of Health nitong weekend — bilang “Philippine variant”.

Aniya, “It’s not (a Philippine variant) – you call it a P.3. So far, it’s not yet a variant of concern.”

“Hindi malinaw kung mas mabilis ba itong kumalat or ito ba ay mas malala ‘yung virulence, and hindi rin malinaw pa kung nakakaapekto rin ba ito sa effectiveness ng mga bakuna,” dagdag pa ni Duque.

Kinumpirma ng DOH noong Sabado ang bagong Covid-19 variant na kung tawagin ay P.3. na nagmula aniya sa Pilipinas, kung saan 85 cases na mayroong “unique set of mutations” ang naitala ng Philippine Genome Center.

Ayon sa DOH, hindi nila ito binansagang “Philippine variant,” sapagkat ang paggamit umano ng pangalan ng bansa sa mga variants ay dapat ihinto dahil nagdudulot ito ng diskriminasyon.

Sa isang media forum sa parehong araw, ipinaliwanag naman ni Dr. Beverly Ho, Health Promotions bureau director, na posibleng mas nakakahawa ang nasabing variant at maaaring makapagdulot ng pagbabago sa immune response ng katawan para sa mga bakuna.

Aniya, “They have been linked to possible increased transmissibility and immune escape in some studies.”

Bukod sa P.3. variant, naitala rin sa Pilipinas ang mga variants na unang nadiskubre sa United Kingdom, South Africa, at Brazil.

LATEST

LATEST

TRENDING