DOLE: Mga empleyado, hindi sisingilin sa Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOLE Secretary Silvestre Bello III

Walang manggagawa ang dapat singilin para sa pagpapabakuna kontra Covid-19 o ma-discriminate kung ayaw magpaturok ng vaccine, giit ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay nang pag-isyu nito ng mga panuntunan hinggil sa pagbabakuna sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Nakasaad sa inilabas na DOLE Labor Advisory No. 3 Series of 2021 ang mga patakaran para sa pribadong sektor na layong magsagawa ng vaccination kontra Covid-19. para sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa naturang guidelines na nilagdaan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, maaaring bumili ang mga kumpanya ng sarili nitong Covid-19 vaccines, supplies, at iba pang serbisyo.

Puwede ring humingi ang mga kumpanya ng suporta mula sa gobyerno para sa “procurement, storage, transport, deployment, and administration of COVID-19 vaccines.” 

Hindi naman sisingilin ang mga empleyado para sa mga bakuna.

“No cost of vaccination in the workplace shall be charged against or passed on, directly or indirectly to the employees,” pahayag ng advisory.

Hinihikayat ang mga kumpanya na himuking magpabakuna ang kanilang mga empleyado. Ipinagbabawal din ang diskriminasyon laban sa mga empleyadong tatangging magpabakuna.

“Any employee who refuses or fails to be vaccinated shall not be discriminated against in the terms of tenure, promotion, training, pay, and other benefits, among others, or terminated from employment,” dagdag pa ng DOLE.

Idiniin ito ni DOLE Undersecretary Maria Teresita Cucueco sa isang briefing. 

Aniya, “Ang sinasabi i-encourage na mapabakunahan ang empleyado pero kung hindi ho sila papayag hindi po ito basehan ng termination, promotion, at iba pa nga hindi papasukin sa loob ng kompanya. Discriminatory na po iyan, hindi po ‘yan sang-ayon sa mga issuance ng DOLE.”

LATEST

LATEST