Pagbabawal ng PNP sa PDA, binatikos ng mga kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNP-PIO

Imbes na pagtuunan ng pansin ang pagbabawal sa Public Display of Affection (PDA) ng mag-asawa at magsing-irog, dapat magpokus na lamang aniya ang Philippine National Police (PNP) sa internal cleansing laban sa mga tiwali nitong pulis, ayon sa isang mambabatas.

Iginiit ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party­list Rep. Jericho Nograles na dapat ibaling ng pulisya ang atensyon nito sa paghahabol sa mga scalawags sa halip na ipagbawal ang PDA.

Aniya, “Physical distancing is a collective effort in the fight against the virus but the men and women of the PNP have bigger fish to fry. The top brass should review their priorities. What is happening with our PNP? There are more immediate and pressing matters other than running after couples.”

Samantala, pinuna rin ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang naturang palisiya hinggil sa PDA at sinabing may mga mas mahahalaga pang isyung dapat tugunan ang kapulisan.

Ayon kay Brosas, paraan lamang umano ito ng PNP upang ilihis ang atensyon ng mga Pilipino matapos umani ng kaliwa’t-kanang pambabatikos ang kapulisan dahil sa mga kontrobersya.

Isa na rito ang tinaguriang ‘Bloody Sunday’ kung saan siyam na aktibista ang nasawi matapos magsagawa ng raid ang PNP sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) noong Linggo.

Kasama rin sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng PNP ay ang shootout sa pagitan ng PNP at PDEA sa parking lot ng isang fast food chain sa Quezon City noong Pebrero 24, pati na rin ang pagpaslang kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong Marso 8.

LATEST

LATEST

TRENDING