Lacson: Herd immunity sa 2023, malabo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo Lacson

Maaaring umabot pa sa 2023 ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa 60 hanggang 70 porsyento ng populasyon upang makamtan ang herd immunity sa bansa.

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na maisasakatuparan lamang ang herd immunity sa 2023 kung pabibilisin ng pamahalaan ang isinasagawa nitong Covid-19 vaccination program.

Ayon sa senador, posibleng lumagpas pa sa target na 2023 ang herd immunity sapagkat batay sa datos noong Marso 10, 114,615 katao pa lang ang nabakunahan.

Kahit na nagpatupad umano ng ilang “good moves” ang gobyerno tulad ng 10pm hanggang 5am na curfew sa Metro Manila, marami pa ring dapat tugunan ang pamahalaan sa laban kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING