Duterte, magdedesiyon sa Abril kung bubuksan ang ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaasahan ang paglalabas ng kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Abril kung papaluwagin nito ang quarantine protocols upang mabuksan ang ekonomiya.

“Quarantine classifications are decided on a monthly basis. So, we are looking at opening the economy by April. It is still mid-March,” ani Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon sa Pangulo, sinusuri niya kung tama na bang buksan ang ekonomiya sa mga susunod na linggo.

Sinabi naman ni Roque na alam na ng pamahalaan kung paano tugunan ang Covid-19 pandemic makalipas ang isang taon nang manalasa ito sa bansa. Mahihirapan din umano ang mga Pilipino kung ipatutupad muli ang lockdown.

“Alam natin na lalong nakakahawa ang sakit. Pero habang handa ta­yong magbigay ng tulong sa mga seryosong magkakasakit, tuluy-tuloy po ang hanapbuhay ng ating mga kababayan. Kaya po natin ito, ingat-buhay para sa ating hanapbuhay,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING