PDP, hinihikayat si Duterte na tumakbong VP sa 2022

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Naglabas ng resolusyon ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-Laban upang kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang Pangalawang Pangulo sa gaganapin na halalan sa 2022.

Ito ay kasabay nang panghihimok sa anak ng Presidente na si Davao City Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-Pangulo.

Ang naturang resolusyon ay kinumpirma ni Deputy Speaker at Valenzuela 2nd Rep. Eric Martinez at sinabing pinirmahan ito ng  30 miyembro ng PDP-Laban – ang kinabibilangang partido ni Duterte. Ayon sa kongresista, naniniwala ang PDP-Laban sa ‘continuity‘ o pagpapatuloy sa mga nagawa ng administrasyon.

Nanatili rin umanong mataas ang approval ratings ni Duterte.

LATEST

LATEST