NCR mayors, magpapatupad ng uniform curfew hours simula Marso 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejau Villafranca (Bloomberg)

Nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng uniform curfew hours, mula 10 p.m. hanggang 5 a.m., sa loob ng dalawang linggo simula Marso 15 kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa rehiyon.

Inanunsyo ito ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos Jr. noong Huwebes ng gabi matapos makipagpulong sa mga alkalde upang talakayin ang mga ipatutupad na bagong quarantine protocols.

“Pinagkasunduan ito para hindi na malito ang tao,” ani Abalos sa isang media briefing.

Dagdag pa ntito, “Pwede naman magkanya-kanya sila, pero kung magkakanya-kanya, mas mahirap dahil ang paggalaw sa Kalakhang Maynila ay napakabilis. Ilang minuto lang ay nasa ibang lugar ka na.”

Saklaw sa kautusan ang lahat ng tao anuman ang edad, subalit hindi umano kabilang dito ang mga essential workers na naka-duty, o magsisipag-uwian mula sa trabaho sa curfew hours basta’t makapagpapakita ng ID sa mga awtoridad. Papayagn din ang food deliveries at mga restawran na bukas 24/7.

Ang kaparusahan naman para sa mga lalabag ay nakadepende sa local government units.

Bukod sa curfew, inihayag din ni Abalos na magpapatupad ng granular lockdowns ang mga alkalde sa mga lugar na may clustering ng Covid-19 cases. Paiigtingin din umano ang testing at contact tracing.

Aniya, “These will be very stringent measures dahil hindi po biro ang nakitang mga numero ng mga mayors sa mga kasong nangyayari po ngayon, at lalo na po itong UK variant at South African variant.”

Mula sa 360 cases bawat araw na naitatala sa NCR mula Pebrero 4 hanggang 10, sinabi ni Abalos na umakyat ito sa higit 1,400 matapos ang isang buwan.

Nauna namang nagbabala ang OCTA research group na posibleng pumalo sa 3,000 ang arawang bagong mga kaso bago sumapit ang Abril, at posibleng makaranas ang buong bansa ng 6,000 daily infections.

LATEST

LATEST

TRENDING