Publiko, mas nagiging ‘lax’ sa pagsunod sa health procotols: DILG Usec

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Forum-Asia

Mas maraming Pilipino ang nagiging “lax” sa pagsunod sa minimum health standards na layong iwasan ang Covid-19, ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Miyerkules, kung saan ito umano ang dahilan sa spike ng Covid-19 cases.

Simula Marso 5, nakapagtatala ang bansa ng higit 2,400 na bagong mga kaso, at naitala naman ng Department of Health (DOH) ang mahigit 3,000 new cases sa apat na magkakasunod na araw hanggang Marso 8.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, na nahawa ng Covid-19 noong nakaraang taon, ang pagsipa sa bilang ng mga kaso ay dahil sa paglabag ng mga Pilipino sa health protocols.

Gayunpaman, hindi nagbigay ng panibagong patakaran ang opisyal na humarap sa House Committee on Transportation.

“The reason why there’s an upsurge in identified local government units (LGU) is because people have started to become lax in the practice of minimum health standards. I saw in Pasay, BGC (Bonifacio Global City), people are talking, laughing without face masks and face shields, and you see saliva coming out of their mouths,” ani Densing.

“This is really an issue that we are addressing right now, for people to practice minimum health standards when they go out of their homes,” dagdag pa nito.

Tinanong naman ni Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela Violago si Densing kung ikokonsidera ng DILG ang pagpapatupad ng panibagong health standards ngayong sumipa ang bilang ng mga kaso.

“Kasi ngayon, nag-surge na naman ng dami ng pasyente ng COVID. Na-consider ba sa plano ito? Kasi ngayon, sigurado marami na namang probinsya na magsasara ulit kasi sa pagdami [ng kaso]” sabi ni Violago. 

Ayon naman kay Densing, nag-isyu na ng memorandum ang ahensya na nagdidirekta sa mga LGUs na magpasa ng ordinasa upang parusahan ang mga residenteng lalabag sa minimum health protocols. 

Aniya, “We’ve already issued a memo reiterating our previous memorandum in July of 2020… It can be in the form of imprisonment, fines or penalties, or maybe community work. And this was mentioned by our health officials during our consultation with the mayors of the National Capital Region, that regardless of the variant, if people are practicing minimum health standards, there is 95 percent less chance or risk of transmission.”

LATEST

LATEST

TRENDING