Gobyerno, target makapagbakuna ng hanggang 300,000 katao bawat araw vs. Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 250,000 hanggang 300,000 katao bawat araw kapag dumating na sa bansa ang karamihan ng Covid-19 vaccines, ayon kay Testing czar Vince Dizon noong Miyerkules.

Maisasakatuparan lamang umano ito kung darating sa oras ang mga naturang bakuna. Gayunpaman, idiniin ni Dizon na mayroon pa ring problema tungkol sa global supply.

Aniya, “Ang target natin ay roughly 250,000 to 300,000 a day pero ito ay depende sa supply na makukuha natin.”

“Pagdating natin sa punto na nagvavaccinate na tayo ng general population, aabot po tayo sa ganitong numero.” dagdag pa ng opisyal.

Target ng pamahalaan ngayong taon ang mabakunahan ang 50-70 milyong katao. Nakapagbakuna na ang pamahalaan ng 44,000 katao, kung saan karamihan ang health workers.

Dumating na sa bansa kamakailan ang 600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccines at 525,000 doses naman ng AstraZeneca brand.

LATEST

LATEST

TRENDING