Covid-19 cases sa NCR, posibleng dumami nang 9x kung magiging dominant ang UK variant: eksperto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Danny Pata (GMA News)

Posible umanong mas dumami nang siyam na beses ang Covid-19 cases sa Metro Manila kung magiging dominant ang UK variant sa bansa, babala ng isang epidemiologist noong Miyerkules.

“If the UK variant becomes the dominant strain, meaning it accounts for more than 50 percent of cases, we can have nine times more cases after a month. So we have to take precautions to avoid this,” wika ni Dr. John Wong sa isang media briefing.

Ayon kay Wong, miyembro ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group sa data analytics, malaki ang posibilid na ang UK variant, o B.1.1.7, ay malaking kabahagi ng kasalukuyang pagsipa sa bilang ng mga kaso sa Metro Manila kasabay nang pagiging kampante ng mga Pilipino sa pagsunod sa minimum public health standards. Mas nakakahawa umano ang UK variant habang ang South Africa variant naman ay nakakaapekto sa efficacy ng mga bakuna.

“UK variant increases transmissibility. So maybe part ng [part of the] surge that we are experiencing now is due to the UK variant,” dagdag pa ng doktor.

Samantala, inihayag naman ng OCTA Research group noong nakaraang linggo na ang kasalukuyang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila ay senyales ng isang “variant-driven surge.”

Kaugnay nito, posible umanong maitala ang mahigit 3,000 cases kada araw habang maaaring umabot ng higit 6,000 ang panibagong kaso sa buong bansa sa pagtatapos ng buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING