PH, umaasang mababakuhan ang karamihan ng health workers at seniors sa gitna ng 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Screengrab mula sa: RTVMalacañang

Layunin ng Pilipinas ang mabakunahan ang karamihan ng health workers at senior citizens laban sa Covid-19 sa gitna ng taon, ayon kay Testing czar Vince Dizon.

Umaasa ang mga awtoridad na makakukuha ang bansa ng karagdagang 14 milyong Covid-19 vaccine doses mula sa Beijing-based drug maker na Sinovac Biotech ngayong buwan, at isa pang batch ng doses mula naman sa vaccine-sharing na COVAX Facility.

Nangako ang World Health Organization, lider ng COVAX Facility, na magpapadala ito ng inisyal na 117,000 doses ng Pfizer Covid-19 vaccine sa Abril.

 “Malaking bagay rin po ito, lalong-lalo na para sa ating healthcare workers na priority nating matapos hanggang buwan ng Abril at Mayo,” ani Dizon sa isang televised public briefing. 

Dagdag pa nito, “Ang objective po natin ay by mid-year ay natapos na po natin ang ating mga healthcare workers, pati na rin ang ating mga senior citizens.”

Dumating na sa bansa kamakailan ang 600,000 doses ng Sinovac at 525,000 doses ng AstraZeneca vaccines.

Ayon kay Dizon, ang 1.7 milyong health workers sa bansa ay nangangailangan ng 3.4 milyong doses ng 2-shot vaccines.

Kasunod ng mga matatanda, ang mga may co-morbidities, non-medical frontliners, at indigents naman ang nakatakdang mabakunahan laban sa nakamamatay na sakit.

“Ang hinihintay lang po natin talaga ay iyong pagpasok ng mas maraming supply para matapos na po natin ang priority sectors natin at makapunta na po tayo sa general population,” dagdag pa ni Dizon.

LATEST

LATEST

TRENDING