NCR mayors, pag-uusapan ang posibleng pagpapatupad ng unified curfew hours, border control

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magpupulong ang mga alkalde ng Metro Manila ngayong linggo upang pag-usapan kung kinakailangang baguhin ang ilang mga patakaran kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa rehiyon.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos noong Miyerkules na makikipagpulong ang mga alkalde sa Department of Health (DOH) at OCTA Research Group upang maliwanagan sa tunay na sitwasyon nang makagawa ng mga revisions sa contact tracing, testing, at quarantine.

Pinag-usapan umano ang pagpapatupad ng unified at mas mahabang curfew hours sa National Capital Region. Pinalawig na ng Caloocan at San Juan ang kanilang curfew hours simula Miyerkules, subalit mayorya ng mga lungsod at munisipalidad ang nagpapatupad pa rin ng 12am to 4am na curfew.

Hinikayat naman ng Interior Department ang mga alkalde na ipatupad ang uniform curfew hours.

Pag-uusapan din ng mga alkalde kung kinakailangang magpatupad ng striktong border controls para sa mga lugar na malapit sa rehiyon.

“Ang sinasabi nila, gumagalaw kami nang husto sa Metro Manila, baka pwede ang ganitong galawan ay nationwide… The only solution that we see is lahat maghigpit, hindi lang Metro Manila,” ani Abalos.

Ayon kay Abalos, magha-hire ng 300 contact tracers ang MMDA para sa buong rehiyon matapos ang pagkawala ng halos 10,000 personnel mula sa kasagsagan ng pandemiya. Ikinabahala rin ng opisyal na na 89% na ang kapasidad ng mga quarantine hotels sa rehiyon.

LATEST

LATEST

TRENDING