Mandatoryong swab test para sa mga turista, nakadepende sa LGU: DOT

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

Ang mga lalawigan at local government units na ang magpapasya kung ire-require nila ang mga turista na sumailalim sa RT-PCR COVID-19 tests bago makapasok ng kani-kanilang mga lokalidad, giit ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat noong Miyerkules.

Niluwagan kamakailan ng coronavirus task force ng pamahalaan ang quarantine protocols sa pamamagitan ng pagtanggal sa mandatory RT-PCR tests para sa domestic travel, upang maisulong ang turismo at aktibidad ng ekonomiya.

Subalit, nakasalalay sa LGU ang desisyon kung ipatutupad nila ang mandatoryong swab test, ani Romulo-Puyat sa distribusyon ng ayuda para sa mga apektadong manggagawa sa turismo sa Rizal province.

Aniya, “The protocols are really up to the local government unit. It is the decision of the LGU kung maglalagay sila ng test before travel whether its saliva or swab.”

“Yung mga ibang LGU ayaw pa rin magbukas kahit MGCQ [modified general community quarantine] kasi feeling nila hindi pa sila ready. Now on the other hand, there are other LGUs na feeling nila ready sila and there is no need for test before travel,” dagdag pa ng kalihim.

Nang tanungin ito kung tama ang pagtanggal sa RT-PCR test requirement kasabay nang pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa, sinabi nitong “halos lahat, they require test before travel.”

Ayon sa Tourism Secretary, ang mga sumusunod na destinasyon ay nagre-require pa rin ng RT-PCR tests:

  •  Boracay
  •  Bohol
  •  El Nido
  •  Coron
  •  San Vicente (reopening sa March 15)
  •  Puerto Princesa (reopening sa March 15)
  •  Ilocos Norte
  •  Ilocos Sur
  •  Pangasinan (reopening ngayong buwan)
  •  La Union (reopening ngayong buwan)
  •  Siargao 
  •  Siquijor 
  •  Dumaguete
  •  Iloilo

LATEST

LATEST

TRENDING