PRRD, idiniing dapat pa ring ‘bantayan’ ang mga sinibak na empleyado ng PDEA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Ibinunyag noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng mga dating empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinibak sa puwesto bunsod ng pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Ayon kay Duterte, kabilang dito ang ilang intelligence officers na guilty sa grave misconduct dahil sa pangingikil. Ngpositibo rin ang mga ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Huwag na kayo maniwala sa mga g**o na ito, at bantayan nito at baka ito na naman ang mag-umpisa ng droga. Iyan ang nakasanayan nila na trabaho and I can see a very strong urge on their part to get money, and alam nila pera iyan at sila na naman ang papalit,” giit ng Pangulo.

Sangkot din umano sa “kalokohan” ang ilang alagad ng batas hinggil sa isinasagawang anti-illegal drug operations.

Aniya, “Iyong sa pulis ang kalokohan nila diyan kung makakuha sila ng drugs, sabihin natin limang kilo, isang kilo ang report nila, tapos ang apat bitawan uli sa publiko, sa community, maraming cases na nangyari diyan. May mga generals pa.”

LATEST

LATEST

TRENDING