Nasa 44,000 Pinoy, nabakunahan na vs. Covid-19: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Nakapagbakuna na ang bansa ng tinatayang nasa 44,000 doses ng Covid-19 vaccines simula nang mag-umpisa ang vaccination program, giit ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

“Kung makikita natin ang ating global vaccination, meron na tayong 300 million plus. At ngayon po, tumaas po ang ating daily rate na 7 million. And then nakakatuwa po ay nakasama na po ang Pilipinas sa numero at meron na po tayong more or less 44,000 doses na na-administer,” ani Galvez noong Lunes.

Nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 1,125,000 doses ng Sinovac at AstraZeneca brands, na donasyon mula sa China at ilang mga bansa sa Europa.

Ayon kay Galvez, 120 na mga bansa na sa mundo ang nabakunahan kontra Covid-19.

Nakatakda ring dumating ang nasa 20 milyong bakuna mula Abril hanggang Hunyo, ayon sa opisyal.

Ang mga ito ay magmumula aniya sa British-Swedish firm na AstraZeneca, US-based Novavax, Sinovac ng China, at sa World-Health Organization-led COVAX facility.

Aniya, “Nakikita po natin baka humigit po tayo ng mga ano, mga 20 million po ang ating makukuha between the April, May, and June.”

LATEST

LATEST

TRENDING