Robredo: Dumating na Covid-19 vaccines sa PH, nagbigay pag-asa sa mga Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Sinabi ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na ang mga bakunang dumating sa bansa nang libre ay nakapagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino, matapos ang halos isang taong quarantine.

Sa kanyang lingguhang radio show na Biserbisyong Leni, binanggit ni Robredo na nagpapasalamat siya para sa mga bakuna kontra Covid-19 na nakarating sa bansa sapagkat nagbigay umano ito ng pag-asa sa Pilipinas matapos ang isang taong community quarantine.

Aniya, “Matagal na panahon na parang impatient tayo kasi nakikita natin iyong ibang mga bansa nagpapaturok nanag-rollout na ng vaccination, pero at last dumating na dito sa atin.”

“Nagpapasalamat tayo kasi hindi natin ito babayaran,” dagdag pa ni Robredo.

Kasalukuyang may suplay ang Pilipinas ng 600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccines galing China at 525,000 doses naman ng AstraZeneca brand mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Gayunpaman, bagama’t nagpapasalamat ito sa mga nagbigay ng bakuna, “ikanalungkot” pa rin ng Pangalawang Pangulo na kabilang ang Pilipinas sa mga mahihirap na bansa na nakakuha ng bakuna mula sa COVAX facility.

“Iyong donations para sa pinakamahihirap na mga bansa…Nakakalungkot lang na ‘yung consideration natin, ito ‘yung mga kasama na natin na considered na mahihirap na bansa,” ani Robredo.

LATEST

LATEST

TRENDING