Duterte, Robredo nagpaabot ng kanya-kanyang mensahe para sa International Women’s Day

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Habang ipinagdiriwang ng mundo ang International Women’s Day, nanawagan ang matataas na opisyal ng bansa sa mga Pilipino para sa patuloy na pagsusulong para makamtan ang isang gender-equal at inclusive na mundo.

“Let us elevate women to their rightful place in society by empowering every Filipina to break not only the barriers that have long hindered them from reaching their full potential, but also the backward mindset that fueled a culture of gender oppression and inequality,” pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Ayon kay Duterte, na umani ng pambabatikos dahil sa mga biro nitong sexist noon, “marami pang dapat gawin” upang tugunan ang mga isyu sa inequality. Hinikayat ng Pangulo ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusulong ng mga adbokasiya para sa empowerment ng kababaihan.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing na sa ilalim ng Duterte administration, nanguna ang bansa sa Asya at naging ika-16 sa buong mundo sa pagsasra ng gender gap, batay sa datos ng Global Gender Report ng World Economic Forum noong 2020.

Aniya, “‘Yung mga nagsasabing hindi tinataguyod ng Presidente ang karapatan ng kababaihan, sino bang presidente ang nagbigay ng ganyang distinction sa Pilipinas?”

Samantala, hinikayat naman ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang kapwa babaeng Pilipino na ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang  “fairer, kinder, more humane world, where no one is left behind.”

“We need as many women and allies as possible banging against the glass ceiling and creating spaces where all genders can flourish and contribute to society,” mensahe ni Robredo.

 “Let us blaze new trails for others to follow,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST