DOH, idiniing walang ‘second wave’ ng Covid-19 cases bagama’t mayroong bagong variants

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Bagama’t kalat na ang mga bago at mas nakahahawang Covid-19 variants sa bansa, wala umanong “second wave” ng mga kaso bunsod ng kamakailang pag-spike sa bilang nito, ayon sa Department of Health (DOH) noong Lunes.

“We would like to veer away from classifying this marked increase in cases as having a surge or having a second wave,” giit ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa programang The Source ng CNN Philippines.

“What we’re saying right now would be that there is this marked increase in the number of cases and the people [have] to be very cautious, and that local governments would have to step up with their response,” dagdag pa nito.

Samantala, inihayag naman ni health reform advocate Dr. Tony Leachon sa isang tweet nitong weekend na nasa ikalawang surge na ng Covid-19 ang bansa. Hinikayat nito ang mga Pilipino na protektahan ang kanilang mga sarili dahil gusto umano ng IATF na paluwagin ang protocols at hindi umano nais ng DOH na aktibong ipagbigay-alam sa taumbayan ang tunay na sitwasyon sa mga hotspots at ospital.

Ayon naman kay Vergeire, ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ay dahil lamang umano sa mga kumakalat ng bagong Covid-19 variants.

Aniya, “Tumataas ang kaso, totoo pero hindi pwede sabihin na ang variants ang naging cause solely.”

“Kaya tumataas ay dahil nakakaligtaang ayusin at mag-comply sa minimum health standards,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, sinabi naman ni Dr. John Wong ng Inter-Agency Task Force COVID-19 Variants Technical Working Group na bagama’t hindi pa naaabot ng bansa ang peak ng mga kaso noong Agosto 2020, “patungo” na ito roon.

“In some hospitals, hospitalizations have been increasing, and soon after that, you’ll also have an increase in deaths,” babala ni Wong.

LATEST

LATEST

TRENDING