38,400 karagdagang AstraZeneca Covid-19 vaccines, dumating sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
National Task Force against Covid-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr.
Kuha ni: Robert Alfiler (PNA)

Dumating sa bansa ang ikalawang batch ng AstraZeneca Covid-19 vaccines noong Linggo ng gabi, para makumpleto ang 525,000 doses na nanggaling mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

Naglalaman ang shipment ng 38,400 doses. Nauna nang dumating sa bansa ang 487,200 doses noong Marso 4.

Sinalubong nina National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Vince Dizon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagdating ng mga bakuna.

Ang COVAX facility ay isang global initiative na layong tiyakin ang patas na access ng mga bakuna sa buong mundo. Ang partikular na batch na dumating sa Pilipinas ay gawa sa South Korea at donated ng mga bansa sa Europa.

Bago dumating ang AstraZeneca vaccines, nakatanggap na ang bansa ng 600,000 doses na donasyon ng Sinovac Covid-19 vaccines na gawa sa China.

Gayunpaman, sinabi ni Galvez na nangangailangan pa rin ang bansa ng mas maraming bakuna kontra Covid-19 sapagkat ang kasalukuyang suplay ng Pilipinas ay 30% lamang sa kinakailangan upang mabakunahan ang mahigit 1.7 milyong health care workers nito.

LATEST

LATEST