Sinehan, arcades sarado pa rin ayon sa Metro Manila mayors

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Mananatiling sarado ang mga sinehan at arcades sa Kalakhang Maynila bunsod ng pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases, ayon sa desisyon ng mga alkalde ng Metro Manila noong Sabado.

Kinumpirma ito ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at sinabing gumagawa na sila ng resolusyon upang pagtibayin ang naging kapasyahan.

Ayon kay Abalos, susuriin ng mga awtoridad ang sitwasyon sa Covid-19 nang hindi bababa sa tatlong linggo hanggang sa isang buwan bago pag-isipan ang pagbubukas ng mga establisyimento.

Ito ay matapos maitala ng bansa ang ikalawang araw na mahigit 3,000 ang bagong Covid-19 cases. Noong Marso 5, nanguna ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamaraming kaso sa bilang na 1,279. Mayroon din itong 14,691 cases.

Pinangalanan kamakailan ng OCTA Research Team ang isang barangay sa Pasaya City bilang coronavirus hotspot at nagbabala din dahil sa pag-average ng Metro Manila ng mahigit 900 cases kada araw. Ito ay mahigit na 50% increase mula noong nakaraang linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING