PH, Moderna gumawa ng kasunduan para sa 13M Covid-19 vaccine doses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magsusuplay sa Pilipinas ang American drugmaker na Moderna Inc. ng mahigit 13 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 sa pamamagitan ng bilateral agreement sa pamahalaan, pahayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Linggo.

Ayon sa opisyal, hinihintay na lamang ng kumpanya ang pinal na draft ng bilateral deal sa pamahalaan, habang ang isang multilateral agreement naman para sa karagdagang pitong milyong doses na nilahukan ng pribadong sektor ay isasapinal sa susunod na linggo.

“Nagkaroon na ng marathon meetings…iyong bilateral agreement na 13 million at 7 million na multilateral agreement kasi tinitingnan ang [private groups], national government and also some LGUs, kailangan maayos. ‘Yung bilateral for signing na hinihintay yung final draft, yung private sector most likely sa Tuesday maayos,” paliwanag ni Galvez.

Inanunsyo ng Moderna noong Sabado na tinatrabaho nila ang aplikasyon para sa emergency use authorization ng bakuna. Sa kasalukuyan, ang mga binigyan pa lamang ng Pilipinas ng emergency use authorization ay ang Sinovac ng China, AstraZeneca ng UK, at Pfizer ng USA.

“We appreciate the confidence in Moderna, and our mRNA platform demonstrated by the government of the Philippines,” wika ni Moderna CEO Stéphane Bancel.

“We remain committed to making our vaccine available on every continent to help end this global pandemic,” dagdag pa nito.

Samantala, ayon naman kay Galvez, ang delivery ng Moderna vaccines sa bansa ay magaganap sa gitna ng taon.

Kamailan ay dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccines at 487,200 doses naman ng AstaZeneca mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).

LATEST

LATEST

TRENDING