Mas maraming regional LGUs, inumpisahan ang Covid-19 vaccination program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PIA

Mas maraming local government units (LGUs) ang nag-umpisa nang magbakuna ng kani-kanilang health workers.

Dumalo ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan sa isinagawang ceremonial vaccination sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City noong Biyernes. Si hospital chief Dr. Ricardo Audan ang unang tinurukan ng bakuna.

Ayon kay Audan, 75% ng kanilang 5,900 employees ang sumang-ayon na magpaturok ng Sinovac Covid-19 vaccine.

Nakatanggap ang Davao City noong Martes ng 12,000 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac, na inilaan para sa SPMC at Davao Regional Medical Center sa Davao del Norte, kung saan 79% ang sumang-ayon na magpabakuna.

Umarangkada na rin ang rollout sa Bicol ng 1,200 Sinovac doses sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital sa Legazpi City. Mahigit 800 mula sa 1,871 medical staff ng pasilidad ang sumang-ayon magpabakuna.

7,200 doses ng CoronaVac naman ang dinala sa Tacloban City. Isang ceremonial vaccination ang isinagawa sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Cabalawan, kung saan unang binakunahan ang pinuno nitong si Dr. Salvador Evardone.

Ayon sa Department of Health Eastern Visayas, 714 mula sa tinatayang 1,000 staff ng EVRMC ang sumang-ayon magpabakuna.

Samantala, inumpisahan naman ni Zamboanga Governor Maria Isabelle Climaco ang pag-arangkada ng vaccination program sa Zamboanga City Medical Center. Nakatanggap ang lungsod ng 10,200 Sinovac vaccines na ipamamahagi sa anim na Covid-19 referral hospitals sa lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING