Malacañang: Gobyerno, ginagawa ang lahat upang tugunan ang inflation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Habang itinuturing na “temporary” lamang ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases, sinabi ng Malacañang noong Sabado na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang tugunan ang epekto ng inflation, na tumaas noong nakaraang buwan dahil sa pagmahal sa presyo ng karne.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno ay ang pag-augment sa suplay ng karne, kung saan tumaas ang presyo nito bunsod ng African swine fever (ASF) sa iba’t-ibang lalawigan.

“We are intensifying efforts to ease inflation through immediate interventions… We have implemented pro-active measures, which include the President’s signing of Executive Order No. 124,”paliwanag ni Roque. 

Ang kautusuan, na nilagdaan noong Pebrero 1, ay nagtakda ng price ceiling na P270 per kilogram para sa kasim at pigue, P300 per kilogram para sa liempo, at P160 per kilogram naman para sa dressed chicken sa National Capital Region sa loob ng 60 araw.

LATEST

LATEST

TRENDING