Duterte, nais pagsabayin ang rollout ng Sinovac at AstraZeneca Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng sabay na rollout ng AstraZeneca at Sinovac Covid-19 vaccines upang mabigyan ng pagkakataong pumili ng bakuna ang mga healthcare workers, ayon kay Testing czar Vince Dizon noong Biyernes.

“The rollout will start immediately, as based on the instructions of our President— that he wants the rollout to be simultaneous, so that also our healthcare workers are given a choice,” paliwanag ni Dizon.

Dagdag pa nito, “As early as maybe today or in the next few days, the AstraZeneca doses will already be rolled out, and it will provide a choice to our healthcare workers.”

Dumating kamakailan sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac at 487,200 doses naman ng AstraZeneca Covid-19 vaccines.

Unang sinabi rin ni Vaccine czar Carlito Galvez na binabalak ng pamahalaan ang posibleng simultaneous rollout ng dalawang vaccine brands, lalo na’t namamayagpag ang dalawang bagong variants at patuloy na pag-spike ng mga kaso sa bansa.

Ayon kay Dizon, ang pagdating ng dalawang vaccine brands ay “great start” subalit idiniing hindi sapat ang kasalukuyan nitong bilang upang matugunan ang mahigit na isang milyong health workers sa bansa.

“So the priority right now is to inoculate our 1.7 million healthcare workers, so every vaccine that comes in, regardless of brand, will be for them,” ani Dizon.

Hihintay pa umano ang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group tungkol sa final list para sa distribusyon ng mga bakuna.

LATEST

LATEST