Duque, gustong magpabakuna gamit ang AstraZeneca Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Biyernes na oras na upang magpabakuna siya kontra Covid-19, matapos dumating sa bansa ang libu-libong AstraZeneca Covid-19 vaccines.

Ayon sa kalihim sa isang forum sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City, maaaring iturok ang AstraZeneca vaccine para sa mga senior citizens na tulad niya.

Aniya, “Ang maganda po naman sa AstraZeneca ay siya po ay puwedeng gamitin sa 60 years old and above.”

“Magpapabakuna na rin po ako pagdating ng AstraZeneca bilang isang doktor na nagbabakuna rin at humaharap sa pasyente at nagi-inspect ng mga healthcare facilities tulad ng mga ospital,” ani Duque, 64-anyos.

Hindi tulad ng Sinovac Covid-19 vaccines na dumating sa bansa noong Linggo, ang AstraZeneca brand ay puwedeng gamitin sa mga matatanda at may mga seryosong karamdaman.

Subalit, hindi pa ito inirerekomenda sa mga edad-18 pababa.

LATEST

LATEST

TRENDING