Palasyo, dinipensahan ang desisyon ni Duterte sa pagdedeklara ng special working days

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ng Malacañang na ang pagdedeklara ng special working days para sa 2021 ay hindi ginawa upang makaiwas ang mga employers na bigyan ng holiday pay ang kanilang empleyado.

“I think that is speculative,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa nito, “Sinabi na po ng economic team kung ano ang dahilan: bigyan ng pagkakataon na magtrabaho iyong nais magtrabaho matapos sila hindi nakapagtrabaho ng halos isang taon dahil nga sa pandemya.”

Unang binawasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilang ng non-working days alinsunod sa layuning tulungan ang pagbangon ng ekonomiyang naparalisa bunsod ng Covid-19 pandemic. Idineklara ng Pangulo ang November 2 (All Souls’ Day), December 24 (Christmas Eve), at December 31 (New Year’s Eve) bilang special working days sa ilalim ng Proclamation No. 1107.

Umani ng pambabatikos si Roque mula sa mga mambabatas at kritiko dahil sa pagdepensa sa ginawang hakbang ni Duterte, at sinabing matagal nang nasa “bakasyon” ang bansa dahil sa ilang buwang lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING