2M Covid-19 vaccines, kailangan upang mabakunahan ang lahat ng health workers: testing czar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Testing czar Vince Dizon

Sa pagratsada ng Covid-19 vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni testing czar Vince Dizon na kinakailangan pang kumalap ng bansa ng dalawang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 para mabakunahan ang lahat ng health workers.

Sa Laging Handa noong Huwebes, inihayag ni Dizon mayroong 1.7 milyong health workers sa bansa, kung saan kinakailangan umano ang kabuuang 3.4 milyong doses para mabakunahan silang lahat.

Aniya, “1.7 million po mahigit ang ating health workers sa buong bansa. Ang darating po sa atin ngayon kung kasama na ang AstraZeneca [vaccine] ay mahigit isang milyong doses pa lang so kailangan pa natin ng mga 2 million plus doses para maabot iyong 3.4 million plus na kakailanganin natin.”

Ayon kay Dizon, mapupunan ang pagkukulang na ito sa mga darating na buwan hanggang Mayo.

Dumating na sa bansa kamakailan ang 600,000 Sinovac Covid-19 vaccines mula China at 487,200 AstraZeneca vaccines naman mula sa COVAX facilitiy ng World Health Organization (WHO).

LATEST

LATEST

TRENDING