PRRD, nais munang mag-rollout ng 2M Covid-19 vaccines bago irekonsidera ang MGCQ sa buong PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Toto Lozano (Malacañang Presidential Photographers Division)

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon muna ng dalawang milyong doses na rollout ng Covid-19 vaccines bago nito irekonsidera ang panukalang isailalim ang buong bansa sa pinakamababang uri ng community quarantine.

“He (President Rodrigo Duterte) wants to see a more rigorous, a more widespread rollout of the vaccination program,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Huwebes.

“He gave a figure like two million vaccines being rolled out as a start. That is when he would start reconsidering about itong pagbubukas,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Nograles, indicative number lamang umano ang bilang na binanggit ng Pangulo sa Cabinet Meeting noong Miyerkules.

Noong Pebrero, hinikayat ng National Economic and Development Authority (NEDA) si Duterte na isailalim ang buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) simula Marso upang matulungan ang muling pagbangon ng ekonomiya.

Habang patuloy ang pagdating ng mga bakuna kontra Covid-19 sa bansa, umaasa naman si Nograles na posibleng maipatupad ang MGCQ sa susunod na quarter.

Aniya, “Sa second quarter po, baka ito na ang tamang panahon na magshift na tayo sa MGCQ para sa buong Pilipinas.”

Nauna namang sinabi ng Pangulo na maaaring maghintay pa nang hanggang 2023 ang mga Pilipino bago maibalik sa normal ang pamumuhay sa bansa.

“Sabi nga ni Presidente, magsimula lang itong bakuna, magkaroon lang ng mas maraming taong nabakunahan na, bubuksan ko na ang lahat,” ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Dahil alam nga po niya importante na magkaroon ng hanapbuhay ang lahat,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING