Galvez, aapela para sa maagang delivery ng Novavax Covid-19 vaccines sa pagpunta nito sa India

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez

Layuning isapinal na ng pamahalaan ang Covid-19 vaccine supply agreement nito sa Novavax – at umapela para sa maaga nitong deployment – sa pagbisita ng mga opisyal sa India nitong Marso, giit ni Vaccine czar Carlito Galvez noong Huwebes.

“We will [be] closing ‘yung aming supply agreement sa Novavax,” ani Galvez.

“And we are appealing na magkaroon ng early deployment ang Novavax this coming second quarter,” diin ng opisyal.

Naunang pumirma ng term sheet ang Pilipinas para sa pagtiyak ng 30 milyong doses ng Covovax vaccines, na dinivelop ng US-based biotechnology company na Novavax at manufactured ng Serum Institute of India.

Inihayag din noon ni Galvez na sang-ayon ang gobyerno na gumastos ng karagdagang pondo para sa maagang pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Bukod sa Novavax, inaasahan din ang pagdating sa bansa ng mas maraming doses ng AstraZeneca sa ikalawang quarter.

“Hopefully, ma-close namin ‘yung supply agreement,” sabi ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING