Galvez: 1M Sinovac Covid-19 vaccines, darating sa PH mula Marso 21-30

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Maaaring makatanggap ang Pilipinas ng karagdagang isang milyong Sinovac Covid-19 vaccine doses sa pagtatapos ng Marso, pahayag ni Vaccine czar Carlito Galvez noong Huwebes.

Aniya, “Maybe March 21 and onwards [delivery].”

“Maaasahan po natin, March 21 to 30, darating na po ‘yung one million,” dagdag pa ng opisyal.

Ang Sinovac vaccines ang kauna-unahang bakuna kontra Covid-19 na dumating sa bansa, kung saan unang nai-deliver kamakailan ang 600,000-dose shipment na donasyon mula China.

Bukod sa nasabing donasyon, nakipagkasundo rin ang bansa sa Sinovac para sa 25 milyong doses ng mga bakuna. Ayon kay Galvez, magre-request pa ang pamahalaan ng dalawang milyong doses sa Abril, at tatlong milyon naman sa Mayo.

“And maybe 5 million sa June and August. To complete ‘yung 25 million na kanilang pangako sa atin,” ani Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING