487,200 AstraZeneca Covid-19 vaccines, nasa PH na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dumating na sa bansa ang inisyal na batch ng AstraZeneca Covid-19 vaccines na nagmula sa COVAX facility noong Huwebes ng gabi.

Lumapag ang eroplanong nagdadala ng 487,200 AstraZeneca doses sa Ninoy Aquino International Airport noong bandang 7:10 p.m.

Ito ay dadalhin sa Metropac, Marikina, kung saan ilalagak ang mga ito bago ang deployment. Ayon sa Department of Health (DOH), agad na mag-uumpisa ang distribusyon matapos ang repackaging.

Ang AstraZeneca shipment ay naggaling sa World Health Organization-led COVAX facility, isang global initiative na layong tiyakin ang patas na access ng mga bansa sa mga bakuna.

Bagama’t wala pang itinakdang protocols para sa rollout prioritization ng AstraZeneca vaccines, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez na inirekomenda ng ilang doktor ang naturang bakuna sa mga senior health workers. Ma-o-offset umano nito ang limitasyon ng Sinovac vaccine mula China, na hindi inirekomenda para sa mga edad-59 pataas.

Aniya, “We want to offset those limitations by having this AstraZeneca available for our senior citizens.”

“’Yun po ang tinitingnan naming na anggulo, para at least, well protected po ‘yung ating mga vulnerable na senior healthcare workers,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING