Malacañang, pinuri ang ‘matagumpay’ na Covid-19 vaccine rollout

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PGH DIRECTOR Gerardo D. Legaspi habang tinuturukan ng CoronaVac vaccine

Nagbigay ng papuri ang Malacañang sa umano’y matagumpay na Covid-19 vaccine rollout sa ilang mga ospital sa Kalakhang Maynila noong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naiyak ang ilang kawani ng Philippine General Hospital (PGH) nang masaksihan nila ang pagbabakuna kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi gamit ang CoronaVac na ginawa ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech.

Masaya aniya ang medical frontliners dahil nagkaroon sila ng payapang kaisipan bunsod ng pagbabakuna, dagdag pa ni Roque.

Sa unang araw vaccination, nasa 120 ang bilang ng bakuna sa PGH, mas mataas sa inaasahang 60 recipients.

Nauna namang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi maganda ang paggamit ng CoronVac para sa health workers sapagkat 50.4 percent lamang ang efficacy rate nito.

Gayunpaman, inirekomenda naman ito ng National Immunization Technical Advisory Group (Nitag) para sa mga health workers.

LATEST

LATEST

TRENDING