DepEd, tiniyak na kayang ipatupad ang limited face-to-classes nang 1 linggo kung maaaprubahan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Aaron Favila (Associated Press)

Tiniyak ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa publiko na posibleng ipatupad ang limited face-to-face classes sa loob ng isang linggo matapos itong maaprubahan.

“Within one week, all systems go na po tayo pagka-nabigyan tayo ng pahintulot na makapagsagawa ng limitadong face-to-face (classes),” giit ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio noong Martes.

Ayon kay San Antonio, ipatutupad lamang ito sa mga lugar na may mabababang Covid-19 cases ang kung susuportahan ng mga magulang at guro. Puspusan din umano ang paghahanda sakaling bigyang sila ng go signal at nakahanda umano ang ahensya na ipresenta ito sa isang Senate hearing sa Miyekules.

Kinikilala rin umano nila ang naging mungkahi ni Senador Win Gatchalian na bumuo ng panel ng mga eksperto na gagabay sa pilot testing para sa rollout ng limited face-to-face classes sa low-risk areas.

Lumikha ang mga senador ng resolusyon na nananawagan sa DepEd na agarang ipatupad ang pilot testing ng classroom-based learning, sapagkat hindi umano makabasay ang mahihirap na mag-aaral sa distance learning.

Dalawang beses nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face classes – una noong Disyembre at ikalawa noong Pebrero – dahil sa pananalasa ng bagong Covid-19 variant mula UK na mas nakakahawa.

Ayon sa opisyal, posibleng ipatupad ang physical classes sa 1,000 na mga paaralan sa buong bansa subalit may halong distance learning pa rin ito. Hindi rin pipilitin ang mga magulang na hindi papayag sa naturang programa.

LATEST

LATEST

TRENDING