487,200 AstraZeneca Covid-19 vaccines, darating sa PH sa Huwebes – Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Matapos ang bahagyang pagkaantala, darating na sa bansa ang bakuna kontra Covid-19 na gawa ng British-Swedish drug maker na AstraZeneca sa Huwebes ng gabi, ayon sa Malacañang.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makatatanggap ang bansa ng 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines – ang initial shipment mula sa mga inilaang bakuna ng COVAX facility.

“AstraZeneca’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule,” ani Roque.

Personal din umanong sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang shipment mula sa COVAX, ayon sa dati nitong special assistant na si Senador Bong Go.

Dapat makatatanggap ang bansa noong Lunes ng 525,000 doses ng AstraZeneca vaccines, subalit sinabi ng Department of Health (DOH) na made-delay ang shipment nito dahil sa kakulangan ng suplay.

LATEST

LATEST

TRENDING