Karamihan ng Pinoy, posibleng sa Mayo pa mabakunahan vs. Covid-19: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. habang binabakunahan ng Sinovac Covid-19 vaccine
Larawan mula sa: OPPAP

Ang karamihan ng mga Pilipino ay posibleng maghintay pa ng Mayo bago mabakunahan kontra Covid-19, giit ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Lunes.

Sa ikalawang quarter ng taon, makakukuha ang Pilipinas ng 5.2 hanggang 9.5 milyong Covid-19 vaccines mula sa vaccine-sharing COVAX Facility, Beijing-based Sinovac at AstraZeneca mula naman sa Britanya, ayon kay Galvez.

Aniya, “Doon na po tayo magkakaroon ng tinatawag natin na general public immunization.”

“Bale ang ano (target) natin, May,” giit ni Galvez.

Ang 1.7 milyong health workers sa bansa ay bibigyan ng prayoridad sa vaccine distribution sa nalalabing bahagi ng first quarter.

Nag-umpisa nang makatanggap ng bakuna kontra Covid-19 ang ilang medical frontliners noong Lunes sa Metro Manila mula sa 600,000 na Sinovac Covid-19 vaccines na ibinigay ng China sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING