Galvez, pupunta ng India para pumirma ng Covid-19 vaccine supply agreement

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Inihayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Lunes na pupunta siya sa India sa susunod na linggo upang pirmahan ang isang supply agreement para sa Covid-19 vaccines na ginawa ng US biotech firm na Novavax. 

Unang sinabi ng mga opisyal na makakukuha ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine na manufactured ng Serum Institute of India (SII) sa Hulyo 2021.

“Pagpunta po namin sa India this coming [March] 9 and 12, pipirma din po kami ng aming supply agreement,” ani Galvez sa isang press briefing. 

“Kaya nga pupunta tayo sa India, so that we can really negotiate na magkaroon tayo nang early delivery for humanitarian reasons,” dagdag pa ng opisyal na siya ring chief implementer ng National Task Force against Covid-19. 

Sa pagbiyahe nito sa India, binanggit din ni Galvez na ita-target niya ang isang supply agreement sa SII.

Aniya, “Baka magkakaroon po kami ng other supply agreement para naman doon sa AstraZeneca at saka Covishield na bibilin ng gobyerno doon sa Serum Institute of India.”

LATEST

LATEST