Roque: Mga opisyal, ‘excited’ na sa pagdating ng Sinovac Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Mahigit isang taon matapos pumutok ang Covid-19 pandemic, darating na sa bansa sa Linggo ang unang batch ng Covid-19 vaccines na maaaring gamitin ng publiko.

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccines na donasyon mula China, pahayag ng Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dadalo ang ilang miyembro ng Gabinete sa arrival ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City bandang 5:00 p.m.

“Excited na kami dahil bukas ay darating na po ang bakuna),” ani Roque noong Sabado.

Nang tanungin kung sinu-sinong mga opisyal ang magpapaturok ng Sinovac vaccines upang mapaigting ang kumpiyansa ng publiko, sinabi ni Roque na mas mabuti kung mauna muna ang mga health workers.

“Dahil sa pag-aaral, mas makakabigay po talaga ng kumpyansa sa ating taong bayan kung makikita nila ang kanilang mga health care workers na unang mabakunahan,” dagdag pa ni Roque.

Gayunpaman, ang mga health care workers na tatangging magpaturok ng Sinovac Covid-19 vaccine ay bibigyan pa rin ng prayoridad sakaling maging available na ang kanilang preferred brand, subalit hindi kasama sa pribilehiyong ito ang iba, sabi ni Roque noong Sabado.

Unang sinabi ni Roque na hindi puwedeng maging “mapili” ang mga Pilipino pagdating sa vaccine brand. Pinuna ito ng taumbayan at maging mga mambabatas. Subalit, ipinaliwanag ni Roque noong Enero na inaasahan noon ang isa lamang brand, at ang anumang brand na papahintulutan ng Food and Drug Administration ay ligtas na gamitin.

Nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na bagama’t may mababang efficacy rate ang nasabing bakuna para sa may mild symptoms, 100% effective naman umano ito laban sa moderate at severe symptoms. Nangangahulugan itong mababawasan nito ang morbidity at mortality – ang pangunahing layunin sa pagbibigay prayoridad sa health workers sa ilalim ng vaccination program.

LATEST

LATEST

TRENDING