Roque: Healthcare workers, puwedeng tumanggi sa Sinovac, hindi mawawala ang priority status

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang mga health care workers na tatangging magpaturok ng Sinovac Covid-19 vaccine ay bibigyan pa rin ng prayoridad sakaling maging available na ang kanilang preferred brand, subalit hindi kasama sa pribilehiyong ito ang iba, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Sabado.

Unang sinabi ni Roque na hindi puwedeng maging “mapili” ang mga Pilipino pagdating sa vaccine brand. Pinuna ito ng taumbayan at maging ng mga mambabatas. Subalit, ipinaliwanag ni Roque noong Enero na inaasahan noon ang isa lamang brand, at ang anumang brand na papahintulutan ng Food and Drug Administration ay ligtas na gamitin.

Noong nakaraang linggo, binigyan ng FDA ng emergency use authorization ang Sinovac, na unang ipamamahagi sa bansa. Gayunpaman, hindi inirekomenda ng FDA ang nasabing bakuna para sa mga medical frontliners na exposed sa Covid-19 patients dahil sa mababa nitong efficacy rate na 50.4%

Dahil dito, may kalayaan na ang health care workers na pumili ng kanilang vaccine brand bukod sa Sinovac, ayon kay Roque.

Aniya, “Ang pagbabago po sa ating protocol, kung ayaw po ng health care worker ang Sinovac, pupwede po siyang tumanggi at hindi mawawala ‘yung kanyang prayoridad kapag dumating na yung bakunang gusto niya.”

“Pero pang health care workers lang po ‘yan ah. Sa lahat po kinakailangan pa rin talaga, kung ano po ang naririyan ay tatanggapin natin. Kung ayaw naman po ay wala talagang sapilitan,” dagdag pa nito.

Iginiit din ni Roque na ligtas at epektibo ang naturang bakuna kung kaya’t inaprubahan ito ng IATF na gamitin para sa medical frontliners, alinsunod sa rekomendasyon ng health experts.

LATEST

LATEST

TRENDING