Duterte: Normal na pamumuhay, posibleng bumalik sa 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Posible umanong matamasa ng mga Pilipino ang “normal” na pamumuhay sa 2023, giit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo, kasabay nang pagdating ng unang batch ng Covid-19 vaccines sa bansa.

“Early in the first maybe first or second quarter of year ’23, 2023, baka, tulong ng Diyos,” tugon ng Pangulo nang tanungin kung kailan ang estimate nito sa pagbabalik-normal sa buhay ng mga Pilipino.

Nauna ring sinabi ni Sec.Carlito Galvez Jr, Chief Implementer ng National Task Force on Covid-19, na posibleng maging normal ang buhay sa bansa sa 2023.

Aniya, “It is only through this that we can implement a sustainable immunization program to recover the economy and restore normalcy in the lives of the Filipino people by 2023 through our bayanihan spirit.”

Noong Linggo, dumating sa Pilipinas ang 600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccines na donasyon galing sa China.

Naging kulelat ang Pilipinas sa pagkalap ng Covid-19 vaccines kumpara sa mga karatig-bansa nito sa Southeast Asia.

LATEST

LATEST