Duterte, nais magtungo sa China upang pasalamatan si Xi Jinping para sa Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo na nais niyang bisitahin ang China upang pasalamatan si Pangulong Xi Jinping dahil sa pagdo-donate ng Covid-19 vaccines sa Pilipinas.

Personal na sinalubong ni Duterte ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac Biotech vaccines noong Linggo.

“Towards, maybe at the end of the year, when everything has settled down, I intend to make a short visit to China, to just shake hands with President Xi Jinping, and to personally thank him for this donation,” giit ni Duterte sa isang talumpati.

“I would like to thank and to travel China even one day just to tell President Xi Jinping thank you and I fly home. I want it to do personal because China has been good… I suppose that a debt of gratitude should be paid by a personal visit,” dagdag pa ng Pangulo.

Gusto ring bisitahin ng Pangulo ang Xiamen City sa China kung saan sinabi nitong isang paaralan umano ang ipinangalan sa kanyang inang si Soledad Duterte, isa sa mga unang naging guro sa isang Chinese school sa Davao City.

100,000 doses mula sa shipment ng mga bakuna ang mapupunta sa militar habang ang natitirang doses naman ay mapupunta sa piling health workers.

Nakatakda namang magsagawa ang Philippine General Hospital at iba pang medical facilities ng unang vaccinations sa Lunes, ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr, chief implementer ng National Task Force Against Covid-19. 

Naging kulelat ang Pilipinas sa pagkalap ng Covid-19 vaccines kumpara sa mga karatig-bansa nito sa Southeast Asia.

LATEST

LATEST

TRENDING