Duterte, muling tinanggihan ang pagbabalik ng face-to-face classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa, bagama’t nakarating na ang mga bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas.

“Huwag muna ngayon. Not now. I cannot make that decision,” ani Duterte sa ginanap na press briefing sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ito ang naging sagot ng Pangulo nang tanungin kung papayagan na nito ang pagbabalik ng in-person classes ngayong nakarating na ang mga bakuna sa bansa.

Ayon kay Duterte, baka malagay sa “alanganin” ang buhay ng mga bata kung ipatutupad na ang physical classes.

Aniya, “I am not ready to lose the lives of our young people,” he added.

Unang sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang pagbabalik ng face-to-face classes hangga’t wala pang bakunang nakararating sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING