Duque: Pagdating ng AstraZeneca doses sa PH, made-delay nang 1 linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Ang pagdating ng 525,600 doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccines ay maaantala nang isang linggo, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Kinumpirma ng kalihim noong Linggo na hindi sasalubungin ng pamahalaan sa Lunes ang umano’y pagdating ng mga naturang bakuna, na kabahagi ng unang batch ng doses mula sa COVAX facility, bunsod aniya ng supply shortage.

Aniya, “Meron lang balita kasi na hindi matutuloy dahil nga ang sabi ng WHO (World Health Organization) nagkaka-problema sila sa supply, maantala daw ng isang linggo.”

Ang COVAX facility ay isang global initiative na pinangungunahan ng World Health Organization na layong tiyakin ang equitable access sa Covid-19 vaccines.

Kinumpirma rin ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ang ibinalita ni Duque.

“We have to understand, nakita natin yung AstraZeneca at ibang vaccines, pinagagawan sa Europe at sa area ng mga developing countries. Naiintindihan naman natin. Makakapaghintay naman po tayo,” sabi nito.

Ang AstraZeneca ay isa sa tatlong manufacturers na binigyan ng Food and Drug Administration ng emergency use authority, kasama ang Pfizer ng US at Sinovac ng China.

Ito ay mayroong average efficacy na 70% matapos ang pagtuturok ng dalawang doses.

LATEST

LATEST

TRENDING