600,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccine, nasa PH na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte habang hinahawakan ang isang vial ng Sinovac Covid-19 vaccine
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Nakarating na sa bansa noong Linggo ang kauna-unahang batch ng Covid-19 vaccines na nagmula sa kumpanyang Sinovac ng China.

Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga naturang bakuna sa Villamor Air Base sa Pasay City, kung saan isang Chinese military cargo plane ang nagkarga ng 600,000 doses ng Sinovac vaccine.

Sinuri ni Duterte ang mga bakuna, kasama ang iba pang mga opisyal ng gobyerno tulad nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Inihayag naman ng Pangulo na nais niyang bisitahin ang China upang pasalamatan si Pangulong Xi Jinping dahil sa pagdo-donate ng Covid-19 vaccines.

“Towards, maybe at the end of the year, when everything has settled down, I intend to make a short visit to China, to just shake hands with President Xi Jinping, and to personally thank him for this donation,” giit ni Duterte sa isang talumpati.

“I would like to thank and to travel China even one day just to tell President Xi Jinping thank you and I fly home. I want it to do personal because China has been good… I suppose that a debt of gratitude should be paid by a personal visit,” dagdag pa ng Pangulo.

100,000 doses mula sa shipment ng mga bakuna ang mapupunta sa militar habang ang natitirang doses naman ay mapupunta sa piling health workers.

LATEST

LATEST

TRENDING