525,600 AstraZeneca Covid-19 vaccine doses, darating sa PH sa Marso 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang 525,600 doses ng AstraZeneca Covid19 vaccine sa Lunes, Marso 1, pahayag ng Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magaganap ang delivery bandang 12:50 p.m. sa pamamagitan ng isang commercial flight sa Ninoy Aquino International Airport. Ito ang kauna-unahang batch mula sa 3.5 milyon hanggang 9 milyong AstraZeneca doses na magmumula sa COVAX facility. Ang COVAX ay isang global initiative na pinangungunahan ng World Health Organization na layong tiyakin ang patas na access para sa mga bakuna.

Subalit, nilinaw ni Roque na mahigit kalahating milyong doses ang hindi kabilang sa 17 milyong doses na nakuha ng pamahalaan sa pamamagitan ng tripartite agreements sa pribadong sektor at local government units.

“Iba pa ito. Ito ay galing sa COVAX facility,” paliwanag ni Roque.

Bibigyang ng prayoridad para sa AstraZeneca doses ang medical frontliners alinsunod sa national vaccination plan. Subalit, idiniin nitong gagawa pa ang National Immunization Technical Advisory Group na sistema para sa rollout ng mga bakuna.

“Magkakaroon ‘yan ng panibagong protocol na bubuuhin ng NITAG, pero sang-ayon sa national vaccine plan, syempre uunahin pa rin talaga ang mga medical frontliners,” dagdag pa ni Roque.

Samantala, sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ang initial doses ay ibibigay sa Philippine General Hospital at iba pang major hospitals.

LATEST

LATEST

TRENDING