Nov. 2, Dec. 24 at 31, idineklara ni Duterte bilang ‘special working days’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nabawasan ang non-working days sa bansa ngayong taon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “special working days” ang ilang tradisyunal na holidays upang matulungan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic.

Sa inilabas na Proclamation 1107, ang mga sumusunod ay idineklarang “special working days”: 

  • Nov. 2, 2021 – All Souls’ Day 
  • Dec. 24, 2021 – bisperas ng Pasko
  • Dec. 31 – bisperas ng Bagong Taon

Ang mga naturang araw ay dating special non-working days. 

“For the country to recover from the adverse economic impact of the Covid-19 pandemic, there is a need to encourage economic productivity by, among others, minimizing work disruption and commemorating some special holidays as special (working) days instead,” paliwanag ni Duterte.

Bumagsak ang ekonomiya ng bansa nang 9.5 percent noong nakaraang taon dahil sa pagpapatupad ng lockdown noong Marso na nagresulta sa pagsasara ng ilang negosyo at pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING